Miyerkules, Setyembre 7, 2011

Pagsusulat Noon at Ngayon

Sa araw-araw nating pamumuhay, pumapasok pa ba sa ating mga isipan o nabibibgyan pansin pa ba natin ang pagsusulat? May naitutulong kaya ito sa ating mga buhay? At higit sa lahat mahalaga pa ba ang pagsusulat?
Mula pa noong panahon, likas na sa ating mga Pilipino ang pagsusulat. Katunayan, marami tayong magagaling na manunulat tulad nina Graciano Lopez-Jaena, Juan Luna at marami pang iba na itinuturing nating mga bayani. At isa sa pinakatanyag na manunulat ay ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal. Itinuring ni Rizal na isang pinakamahalagang sandata ang pagsusulat na syang ginamit nya para makamit ang ating kalayaan mula sa mga Espanyol. Pinili nya na kalabanin ang mga Espanyol sa pamamagitan ng pagsusulat kesa gumamit ito ng itak o baril, nang sa ganung paraan ay maiwasan ang pagdanak ng dugo, kasi labis ang pagpapahalaga ni Rizal sa buhay ng mga Pilipino. Nakita ang dedikasyon ni Rizal hanggang sa kahulihulihan ng kanyang buhay. Pagsusulat pa rin ang ginawa nya bago sya mamatay. Hanggang naging kaugalian na rin ng mga Pilipino ang pagsusulat.
Sa mga panahong lumipas hanggang sa kasalukuyan, maraming pagbabago ang naganap. Masasabi nating hindi na lahat ng tao ay binibigyang pansin ang pagsusulat, dahilan na rin ng kahirapan at kung anu-anu pang problema sa buhay. Iniisip nila, “bakit mkakain ko ba ang susulatin ko? Masusulusyonan ba nito ang mga problema ko?”. Kaya di natin maikakaila na hindi na lahat ng tao ay mayroong pagpapahalaga sa pagsusulat. Pero sa mga taong iba ang pananaw, itinuturing nila na isang buhay ang pagsusulat. Sila ang mga taong malaki ang pagpapahalaga at patuloy na ibinabangon ang pagsusulat, para maipakita sa mga tao ang malaking kontribusyon nagagawa nito sa ating lipunan.
Ang pagsusulat ay isang mabisang paraan upang ipahayag ang ating mga saloobin. Pwede ring maging isang produkto ito ng ating malawak na imahinasyon kaya lalong nagiging masining ang pagsusulat. Sa pamamagitan din nito maaari nating maisiwalat ang mga katiwalian o mga hindi makatarungang bagay na ginagawa ng mga mapagsamantalang mga tao sa ating lipunan.
Ilan lang ito sa nagagawa ng pagsusulat na syang nakapagdaragdag ng kulay sa ating mga pamumuhay. Kaya't kung ating iisipin, napakalaki ng nagagawa ng pagsusulat. Hindi man natin ito nakakain, nabubusog naman ang ating mga isipan sa mga karununagan nais ipahatid nito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento